Mga sangkap:
- 2 pirasong malalaking talong
- ¼ kilong giniling na baboy
- 1 sibuyas na hiniwa
- 3 butil ng bawang na hiniwa
- 3 butil ng itlog
- Asin at paminta
- Mantika para sa pagprito
Paraan ng pagluluto:
- Igisa ang bawang at sibuyas
- Isunod ang pork giniling
- Timplahan ng asin at paminta at hintayin maging brown ang kulay ng giniling
- Ilagay ang luto ng giniling sa isang mangkok at hayaan itong lumamig
- Ihawin o pakuluan ang talong sa tubig at kapag ito’y malambot na hayaan lumamig at balatan
- Painitan ang kawali na may mantika at unang isalang ang talong at isunod ang giniling at bahagyang ibuhos ang binating itlog
- Baligtarin ang talong upang maging pantay ang luto nito
Ang Tortang Talong ay isang popular na ulam sa Pilipinas. Nagmula ito sa Spanish o mga Kastila na ang ibig sabihin ay “tortilla na may talong”. Ang ulam na ito ay madaling lutuin at maaaring maging isang mainit na pagkain para sa almusal, tanghalian, o hapunan.
Huwag po ninyong kalimutan na mag-subscribe at sundin ang aming YouTube Channel na “Mga Lutong Pinoy” upang laging makatanggap ng mga bagong video ng mga paborito at napakasarap na mga lutuin. Salamat po!