Learn how to cook Ginataang Tilapia with Coconut Milk and Vegetables in Tagalog! Follow our step-by-step process and enjoy this delicious and healthy Filipino dish.
Mga Sangkap
- 2 pcs Tilapia, cleaned and sliced
- 2 cups Coconut milk
- 1 pc Onion, chopped
- 3 cloves Garlic, minced
- 1 pc Ginger, sliced
- 1 cup Malungay
- 2 tali ng Petchay
- 1 cup Water
- 1pc Siling Green o haba
- 2 tbsp Cooking Oil
- Salt and Pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
- Magpainit ng kawali at maglagay ng cooking oil.
- Igisa ang bawang, sibuyas, at luya hanggang sa maging light brown.
- Ilagay ang coconut milk at tubig sa kawali. Haluin hanggang sa kumulo.
- Ilagay ang isda at lutuin ng 10-15 minuto hanggang sa luto na ang isda.
- Ilagay ang malungay, siling haba at petchay
- Lagyan ng asin at paminta para sa lasa.
Ang Ginataang Tilapia ay isang Filipino dish na gawa sa Isda, gata, at gulay tulad ng malungay,petchay at siling haba. Ito ay isang masustansyang pagkain dahil sa mga gulay at protina mula sa isda. Isa itong sikat na lutuin sa Pilipinas dahil sa lasa at halaga nito.
Don’t forget to subscribe and follow our YouTube channel Mga Lutong Pinoy para sa iba pang masasarap na lutuin tulad ng Ginataang Tilapia Recipe with Coconut Milk and Vegetables.